Walang prenong sinagot ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang tanong ni Boy Abunda na, “what makes a man sexy?” sa kaniyang panayam sa Fast Talk nitong Huwebes, Setyembre 21.

Sa 2-minute fast talk segment, walang prenong sinagot ni Faith ang tanong ni Tito Boy.

“What makes a man sexy?” tanong ng TV host.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

“Their money,” diretsang sagot ng aktres at sabay silang tumawa ni Tito Boy.

Sa naturang panayam, naikwento rin ng aktres ang kaniyang mga experience sa date.

Mapapanood si Faith sa teleserye ng GMA na “Maging Sino Ka Man,” bilang “Betty.”