Nakatakdang magrekomenda ng karagdagang hakbang ang National Economic and Development Authority (NEDA) laban sa pagtaas ng presyo ng bigas sa gitna ng umiiral na price ceiling.

Sa pulong balitaan, nilinaw ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na pansamantala lamang ang mandated price ceiling at layunin ng pamahalaan na magtatag ng iba pang hakbang upang gawing mas abot-kaya ang pagkain nang hindi naaapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka.

“The mandated price ceiling – when that order was issued — that was very clear. It’s temporary. So, as soon as we can see a better option of addressing that and we have achieved already the objective then, it should be lifted,” aniya.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“We will meet soon to recommend other options. There are, as I said earlier, there are options, for example, we have made mentioned about reducing the tariff while world prices are rising,” paglalahad ng opisyal.

Reaksyon lamang ito ni Balisacan matapos tanungin kung tinalakay sa NEDA board meeting ang pagbawi sa price ceiling sa bigas.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, nitong Huwebes.