Matagal nang nag-upload ng selfies subalit hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan at pinanggigigilan lalo na ng kalalakihan ang sexy photos ni Kapamilya star-vlogger Ivana Alawi, kung saan makikitang naka-bikini lang siya.

Sa unang litrato, makikita ang magandang hubog ng kaniyang katawan suot ang kaniyang dark yellow bikini, habang nakaharap sa isang "dirty mirror."

"Dirty mirror," saad niya sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinawanan naman ni Ivana ang isang netizen na nagkomentong "Sa pagkakataon nito, gusto ko na maging dirty mirror."

Sinaway naman niya ang isang lalaking nagkomento at "nagpaalam" na baka puwede ito i-Zoom o tingnan nang malapitan.

"Bawal," saad ng sexy actress.

Sa pangalawang post naman ni Ivana, half body lang ang kuha niya sa selfie subalit halos lumuwa at mag-hello naman ang kaniyang boobelya, na nagpaluwa naman sa mga mata at napa-zoom na talaga sa mga netizen.

Well, hindi naman ito ang unang beses na nag-post ng mga ganitong photos si Ivana.

Sabi nga ni Cristy Fermin, maglaba lang nang nakabukaka si Ivana eh papalo na sa milyon ang views ng kaniyang content.

MAKI-BALITA: Cristy kay Ivana: ‘Maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views’ 

MAKI-BALITA: Ivana at Zeinab, pinagsasabong ang alindog at kaseksihan