Tila nagpahayag ng pagkadismaya ang social media personality at online seller na si "Madam Kilay" matapos daw hindi sumipot sa binyag ng kaniyang anak na si "Little Lakas" ang ilang personalidad na naimbitahan niyang mag-ninong at ninang.

Sa private Facebook account ni Madam Kilay na "Anderson Jinky," hindi tinukoy ni Madam Kilay kung sino-sino ba ang mga ito, subalit sana raw ay dineretso na lamang siya kung ayaw talaga, at hindi siya napaasa.

"NGAYON MAG MEMESSAGE KAYO SAKIN NG KA PLASTIKAN NYO! 😂 Yung ibang mga inimbitahan ko na maging ninang or ninong ni Little Lakas na mga kilala sa social media EKIS KAYO!"

"Wla naman problema kung ayaw nyo dapat dineretso nyo na ko nung una pa lang! maiintindihan ko naman! hindi ko naman mapplease lahat eh! hindi ung pina asa nyo ko 1month before sabi pa 'uu naman eme eme! hindi kame mawawala' 🙄 tapos the day before ng binyag nag hingi ako ng confirmition snob na ang mga botlog😊"

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Pede naamn mag message na ayaw dxaiii!! palibasa mga high profile na! 🤭 edi meow! iilan lang tlga ang totoo sa socmed whhahahaha sarap nyo irealtalk!"

"Shout out pa din tlaga sa mga tumanggap sa anak ko maraming maraming salamat sa inyo! 💚," giit pa nito.

Sa comment section naman ay naglapag ng mensahe si Joel Mondina a.k.a. "Pambansang Kolokoy" at nagpaliwanag.

"Huy! Legit paalam ko sayo ha! Ito wala pang tulog lolo mo!" ani PK na kabilang sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" na gumaganap bilang isa sa mga preso sa kulungan.

"Joel Mondina hahahaha uu except sayo you know that! tamaan na sila nakakahiya namn diba hahhahah," tugon naman dito ni Madam Kilay.

Photo courtesy: Anderson Jinky/Madam Kilay's FB

Isa sa social media personality at celebrity na dumalo sa binyag ay si Jelai Andres.