Hindi pinalagpas ng aktres na si Sunshine Dizon ang isang basher sa X na nagsabing laos na siya at napariwara ang buhay simula nang lumipat siya ng home network.

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya ay nag-ober da bakod si Sunshine mula sa GMA Network patungong ABS-CBN at naging bahagi ng seryeng "Marry Me, Marry You" nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Kamakailan lamang ay nakabalik siya sa Kapuso Network at naging bahagi ng "Mga Lihim ni Urduja."

At sa kasalukuyan, bahagi siya ng kauna-unahang TV5-ABS-CBN collaboration series na "Pira-Pirasong Paraiso" na napapanood tuwing hapon sa mga nabanggit na TV network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa X kamakailan, ipinunto ng basher na mas sikat pa raw ngayon ang aktres na si Pinky Amador bilang "Moira Tanyag" sa hit afternoon series na "Abot Kamay na Pangarap" na katapat ng kanilang show. Nalaos daw talaga siya nang lumipat sa "Ignacia" (ABS-CBN).

Photo courtesy: Sunshine Dizon's X via Fashion Pulis

Sagot naman ng award-winning actress, masaya siya para kay Pinky subalit hindi raw lahat ng mga artista sa industriya ay nais maging sikat. Masaya na raw siyang nakakaganap sa "beautiful characters" at gumaganap sa "beautiful stories."

Ngunit hindi pa lumubay ang basher at inungkat ang pending case niya. Parang "napariwara" daw ang buhay niya nang mag-ober da bakod sa ibang network.

Giit naman ni Sunshine, mag-ingat daw ang nabanggit na basher dahil baka madamay siya sa kaso, at hinikayat niya itong gumamit ng totoong profile photo sa X account.

Photo courtesy: Sunshine Dizon's X via Fashion Pulis

Sabi pa ng basher, kaya hindi raw siya ma-hype ng ABS-CBN dahil nasa 40s na siya at walang katambal.

Photo courtesy: Sunshine Dizon's X via Fashion Pulis

Sabi na lang ni Shine, "Stop giving me your time and attention, dear, you're making me relevant, baka sumikat ako hahaha salamat ka bored ako baklang toh!"

Photo courtesy: Sunshine Dizon's X via Fashion Pulis

At doon na nga nahinto ang pakikipagtalakan ng basher kay Sunshine. Kaloka!

MAKI-BALITA: Sunshine Dizon, Kapamilya na

MAKI-BALITA: Matapos mapanood sa ‘Urduja’ ng Kapuso: Sunshine Dizon, balik-Kapamilya?