“We cannot move forward together without looking back.”
Ito ang pahayag ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sa gitna ng kaniyang paghikayat sa mga Pilipino na gunitain ang mga pangyayari sa isinailalim ng Batas Militar upang mapigilan umano ang anumang pagtatangka na maulit ito.
“The atrocities and plunder of the Marcos, Sr. martial law regime and the sacrifices and heroism of its victims and survivors must never be allowed to be swept under the rug of distortion and historical revisionism,” pahayag ni Lagman nitong Huwebes, Setyembre 21.
Ayon pa sa mambabatas, dapat umanong magpatuloy ang mga Pilipino sa paglingon sa “darkest era” ng kasaysayan dahil susi rin umano ito sa pagsulong ng bawat isa bilang isang bansa.
“Prior acknowledgement of the horrors of martial law and subsequent punishment of those culpable for the repression and venalities during this tyrannical period must be the conditions precedent to a conscientious reconciliation,” ani Lagman.
“We cannot move forward together without looking back. The ignominy of the past will forever haunt the present if we attempt to consign to oblivion the inordinate transgressions and flagrant misrule of martial law.
“We celebrate anniversaries not only to commemorate past achievements but also to condemn past horrors,” saad pa niya.
Matatandaang Setyembre 21, 1972 nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Batas Militar sa buong Pilipinas.
Mula noon, libo-libo umano ang nabiktima ng inhustisya at karahasan sa ilalim ng naturang yugto ng kasaysayan ng bansa.