Pinaiimbestigahan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang naiulat na kinokolekta umano ng isang kulto sa Socorro, Surigao del Norte ang natatanggap na cash assistance ng mga miyembro nito.

Ito ay tugon ni Gatchalian sa privilege speech ni Senator Risa Hontiveros nitong Lunes (Setyembre 18) kung saan iniisa-isa nito ang mga galaw ng Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) na itinuturing niyang isang kulto.

“We have taken stock of the privilege speech of the good senator, Madame Chair, and we took inventory immediately of how many 4Ps households we have there. But obviously, these are initial numbers because it could not be in just one sitio but in more sitios,” pagbibigay-diin ni Gatchalian nang dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mungkahi niyang mahigit ₱207 bilyong badyet para sa 2024.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Inilahad ng opisyal na sa Sitio Kapihan pa lamang, mayroon ng 74 pamilya ang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“In that barangay itself, Barangay Siring, we have 503 households. We’ve already spoken about getting our city links and our municipal links to pry into the well-being of these 4Ps beneficiaries in that area,” anang kalihim.

Ang 4Ps ay bahagi ng human development measure ng pamahalaan na nagbibigay ng conditional cash grants sa pinakamahirap na pamilya upang mabigyan ng masustansiyang pagkain at edukasyon ang mga batang may edad 18 taong gulang pababa.

“It’s against the creed of the Department when may tumabas, no matter kung sino man 'yan, no government official, no private individual can take what is given directly to the beneficiary,” pahabol pa ni Gatchalian.