Nakapagtala pa ng 147 rockfall events ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon pa ng siyam na pagyanig ng bulkan at ito ay senyales na patuloy pa rin ito sa pag-aalburoto.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagbuga rin ito ng lava na umabot hanggang 3.4 kilometro sa Bonga Gully.

Naapektuhan naman ng 2.8 kilometrong lava flow ang Mi-isi Gully, at 1.1 kilometro naman sa Basud Gully.

Bumuga rin ng 870 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Setyembre 19, bukod pa ang pagsingaw ng usok na umabot sa 700 metrong taas at ito ay napadpad sa kanluran-timog kanluran.

Ipinatutupad pa rin ng Phivolcs ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.