Kinuyog ng bashers ang kapapanganak lamang din na aktres na si Kris Bernal matapos itong magkomento sa Instagram post ni Lovely Abella, na nagpapakita ng kaniyang litrato ng postpartum body.

Sa mahabang Instagram post ni Lovely, mababasa ang kaniyang pasasalamat dahil nalagpasan niya ang mga hirap sa journey ng kaniyang panganganak.

Bilang proud siya sa mga naranasan, walang kiyemeng ipinakita niya ang litrato habang karga si Baby Liam Emmanuel at nakatapis lamang sa kaniya ang tila lab gown at nakasuot lang siya ng panloob.

Mababasa sa comment section ang papuri sa kaniya ni Kris Bernal.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Let's normalize unfiltered births and postpartum ❤️ This is so authentic!! One thing about you that I really admire! Congrats and enjoy every moment!!," ani Kris.

Photo courtesy: Screenshot from Kris Bernal via Lovely Abella's IG

Ngunit pinagpiyestahan naman ng bashers si Kris dahil ni minsan daw ay wala silang nakitang post nitong "unfiltered." Bumaha ng salitang "EPAL."

"EPAL."

"@krisbernal ngee, coming from someone na walang [pinopost] na ugly pics. 😂."

"@krisbernal oh the irony"

"@krisbernal LOL the irony of her posting this comment when she only uploads good photos of her with her baby. Some she is fully glammed and full make up on.😂🤷🏻‍♀️"

"@krisbernal you’re the filtered and unaunthentic one🔥"

"@krisbernal Pero diba matagal naman ng normalize ang unfiltered birth & postpartum? 😅 Kasi kahit nung nanganak ako, hindi ko na priority ang sarili ko. It became all about my baby na. Dedma sa ibang tao. 😂"

Samantala, sa kaniyang Instagram posts ay ibinabahagi rin ni Kris ang kaniyang journey bilang first time mom sa kanilang firstborn ng mister na si Perry Choi, na si "Hailee Lucca."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kris hinggil sa bash na natanggap niya sa post ni Lovely.

MAKI-BALITA: ‘Privacy daw!’ Lovely Abella pinagsabihan ng ilang netizens sa pagpo-post