Pinaaapura na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-aapruba sa isinusulong na agricultural economic sabotage bill.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), pinadalhan na ng liham ng Pangulo si Senate President Juan Miguel Zubiri kung saan tinukoy na dapat nang aprubahan ang Senate Bill No. 2432 upang maisulong ang pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura, maprotektahan ang mga magsasaka at mangingisda sa mga manlolokong negosyante at importer.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tinitiyak din ng panukalang batas na magkaroon ng makatwiran at abot-kayang presyo ng produktong agrikultura.

Nakapaloob din sa panukalang batas ang mabigat na parusa laban sa mga lumalabag nito.

Iniuutos din ng mungkahing batas na lumikha ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na pamumunuan ng pangulo o ng itatala niyang permanenteng kinatawan upang matiyak na naipapatupad ito nang husto.