Ibinahagi ng komedyante-online seller na si Lovely Abella-Manalo kamakailan ang kaniyang larawan matapos magsilang sa anak nila ng mister na si Benj Manalo, anak ni "E.A.T." host Jose Manalo.

Makikita sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 17 ang kaniyang litrato habang karga ang bagong silang na junakis.

Sey sa mahabang post ni Lovely, "Di ka man lang nagpaganda!!"

"Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo. šŸ™šŸ»"

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang naghangad ng masama para sa Anak. ā¤ļøšŸ„°"

"Sa darating na sabado ilalabas po namin ang Vlog namin kung gaano kahirap ang dinanas namin, pero in God's Grace napakaganda ng reward niya sa amin šŸ™šŸ» mapapanood niyo po sa Benly the pangga stories. Salamat po sa lahat ā¤ļø"

"Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk, pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng Anak ko šŸ˜Š"

"At higit sa lahat Maraming maraming salamat sa lahat ng Doctor namin ni Liam. Di ko na po kayo iisa isahin sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord šŸ™šŸ»ā¤ļø"

Marami naman sa mga netizen ang pumuri at nagpaabot ng pagbati sa kaniya. May ilan pa ngang momshies na kagaya niya ang tila naka-relate sa kaniyang pinagdaanan, lalo na ang pagkakaroon ng post-partum body. Nagkomento rin dito ang aktres na si Kris Bernal na nanganak ding kagaya niya kamakailan.

"Let's normalize unfiltered births and postpartum ā¤ļø This is so authentic!! One thing about you that I really admire! Congrats and enjoy every moment!!," ani Kris.

Nagkomento naman dito ang mister ni Lovely, "@krisbernal congrats din sainyo!! Enjoy your time with your baby ā¤ļø"

Sey pa ng ibang netizens:

"Amazing mom! Ganyan na ganyan din ako noong nanganak ako...pero sa akin ako na ang pinakamatatag at pinakamagandang babae sa mundo kahit di ako nakakapag ayosā˜ŗļø."

"I can relate to you fellow momma. You look more beautiful for bringing such a wonderful baby into this world. Tisā€™ what a mother look like after giving birth. Unfiltered, pure loveā¤ļø Admire you even moreā¤ļøšŸ„¹."

"Yan ang sinasabi natural beauty walang make-up, walang retoke... ā¤ļø"

Sa kabilang banda, may ilang netizens naman ang nagsabing hindi na dapat pino-post ni Lovely ang mga ganitong larawan dahil privacy na niya ito.

Too much information na raw kasi ang ibinabahagi ng celebrities na gaya niya.

"If okay if you need to feeding your baby but not like this post,that no one can says something words in your privacy?Pls.be post in a manners.."

"Lahat na mommies pinagdaanan na yan. I donā€™t see the need to share too much information. Kaya kayu naba-bash eh. Gusto nyo din eh.šŸ˜‚"

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi naman ni Lovely ang post ng asawang si Benj bilang pagbibigay ng tribute at appreciation sa kaniya.

Noong Enero 22 nang ibahagi ng mag-asawa ang hinggil sa pagbubuntis ni Lovely.

View this post on Instagram

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Lovely o ang mister niyang si Benj hinggil dito.

MAKI-BALITA