Inimbitahan muli ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bumisita sa France.

Ang imbitasyon ay ipinaabot ni Macron sa itinalaga niyang ambassador sa Pilipinas na si Marie Fontanel na nagharap ng kanyang credentials kay Marcos nitong Miyerkules.

Nitong Enero, sinabi ng French Embassy sa Pilipinas na inaasahan na nilang bumisita si Marcos sa France nitong nakaraang Hunyo. Gayunman, hindi natuloy ang plano ng Pangulo.

Muling binanggit ni Macron ang kanyang imbitasyon kay Marcos nitong Hunyo at sa kabila nito ay wala pa ring tugon ang pamahalaan kaugnay ng posibleng biyahe nito sa naturang bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ipinaabot din ni Fontanel ang pagbati ni Macron kay Marcos dahil sa matagumpay na pagpapatatag nito ng ekonomiya ng bansa.

PNA