Binati ng aktres na si Angelica Panganiban ang panganay niyang junakis na si Baby Amila Sabine Homan na nag-first birthday nitong Miyerkules, Setyembre 20.

“Punong puno ng takot ang buong pagka tao ko ng ganitong oras last year. Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin. Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo,” saad ni Angge sa caption ng kaniyang post.

Pasubali naman ng aktres, “sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sakin kung pano maging isang ina. Hindi perpekto, pero sapat. Yun naman ang mahalaga. Salamat salamat salamat ng paulit ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko”.

Sa huli, ipinahayag ni Angge kung gaano siya nabaliw kay Baby Amila at kung gaano niya rin ito kamahal at the same time.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isat isa? Mahal na mahal kita ng wagas 💕”

Nagpaabot din naman ng pagbati ang mga kapuwa niya artista para sa kaniyang junakis. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Happy birthday bean and happy BIRTH day to you kambal. You are an amazing mama ❤️”

"Happy birthday dearest bean!!!!💖💖💖 and congratulations momsy!!!!💖💖💖 love you both!!!!💖💖💖💖💖💖"

"Happy Birthday Bean ❤️ you are both blessed to have each other ❤️"

"Happy happy birthday, Baby Bean🥰🥰🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻"

"Happy Birthday baby girl!🥰🥳"

Matatandaang kamakailan lang ay flinex pa ni Angge ang kaniyang pagiging padede mom sa junakis niya.

MAKI-BALITA: ‘Strike anywhere!’ Angelica Panganiban, flinex pagiging padede mom – Balita