Humingi ng paumanhin si Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang mister na si dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan at sa pamilya nito, matapos mapabalita ang pag-unfollow ng kaniyang panganay na anak na si KC Concepcion kamakailan.

Naganap ito sa media conference ng kanilang upcoming concert ng tatay ni KC na si Gabby Concepcion, na nasa iisang venue lamang sa Okada Manila noong Biyernes, Setyembre 15, subalit magkahiwalay sila ng timeslot, kumbaga ay solo. Pero nagtagpo naman sila nang tapos na ang solo mediacon ni Gabby at magsisimula naman ang kay Mega.

Sa ulat ng Push, nilinaw rin ni Shawie na wala siyang mga paborito sa mga anak niya, subalit sa realidad daw ay mas makakasundo ng isang magulang ang anak na lagi niyang nakakasama.

"I don't play favorites. Some people seem to think favorite daughter ko si Frankie, hindi. I love all my children equally. It's just that, do'n lang tayo sa totoo. Kung sino 'yong lagi mong kasama, lagi kong katabi, mayroon lang mas nakakasundo. And among all my children, ang kaugali ko si Frankie, ani Shawie.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Aminado naman si Sharon na nasaktan at nalungkot siya sa ginawang pag-unfollow ni KC sa kaniyang step dad at step sister.

Pagdating naman sa sinabi ni KC sa isang panayam na minsan ay nakakaramdam siyang mag-isa lang siya, sinabi ni Mega na choice daw ito ni KC noon pa man.

"It was her choice, nakangiti at maayos na paliwanag ni Sharon.

"Being alone was her choice," giit pa ni Mega.

MAKI-BALITA: Sharon sa ‘pag-iisa’ ni KC: ‘Being alone is her choice!’