Muli na namang umarangkada ang sikat na social media personality na si "Senyora" matapos ang siyam na araw na pagkawala sa online platform na Facebook.

Setyembre 9 ang huling upload ni Senyora sa kaniyang FB page, kung saan mababasa ang "Comfort mo na habang kakabreak pa lang. Tagal mo na plano yan diba?"

Palaisipan sa mga netizen kung bakit siyam na raw na nawalan ng post si Senyora at hindi rin mahanap ang account nito.

May mga nagsabing baka na-hack ito o kaya naman ay nag-deactivate.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Subalit nitong Lunes, Setyembre 18, ay muli nang activated ang kaniyang account at nagpatuloy sa kaniyang witty post.

Naging aktibo siya dahil may mga nagsasabing "pasiyam" na raw niya ngayon.

"Nang may ika-siyam na araw, bumangon at muling nabuhay si ganda," bungad kaagad ni Senyora.

Pahabol pa niya, "Mga shoe nga! Buhay pa ko! Anong sinasabi n’yong pa-siyam ko today? 😡"

Isa sa mga masasaya sa pagbabalik ni Senyora ay ang actress-politician na si Aiko Melendez.

Agad din niyang "binarda" ang Kapuso comedy actress na si Kiray.