AFTER 20 YEARS!

Sa hinaba-haba ng paghihintay, napasakamay rin ng 60-anyos na ginang mula sa Quezon City ang milyun-milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Agosto 5.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Naiuwi ng ginang ang P22,896,342.80 premyo ng Lotto 6/42 na may winning combination na 34-35-24-20-36-39.

Sa kaniyang panayam sa Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO), sinabi nito na ang mga winning numbers ay napanaginipan niya 20 taon nang nakararaan.

Mula noong 1995 pa siya tumataya gamit ang mga numero subalit palaging lima lamang ang nakukuha niya.

Ngayong instant milyonarya na, plano ng ginang na magkaroon ng mga negosyo at maibahagi rin ang kaniyang premyo sa kaniyang kapamilya. Prayoridad din aniya ang makatulong sa mga nangangailangan.