Bumoses ang “Super Sireyna” grand winner na si Francine Garcia sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Setyembre 18, tungkol sa pinag-usapang pictures nila ni “Luis Christian Singson”, anak ng Ilocos Sur politician Luis “Chavit” Singson.

Nilinaw ni Francine na hindi umano niya jowa si Luis. Content lang daw. Narito ang kabuuan ng kaniyang sinabi sa kaniyang Facebook post:

“HINDI KO JOWA SI LCS! KAKALOKA KAYO!

TANTANAN NYO AT HINDI NAKAKAALIW!

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

AY NAKO!!! KAYA HINDI TALAGA MAGPOPOST NG JOWA SA TUNAY NA BUHAY AT MASYADONG MAGUGULO!

CONTENT LANG YUN OI WAG NYO SERYOSOHIN. 🤦🏻‍♀️”

Photo courtesy: Francine Garcia's FB

Ang sey naman ng netizens:

“Pwd nmn Wala label d b sus lol 😂 ikaw na yan !”

#gandaproblems

“Bakit di na lng totohanin Ang lahat, Emee😜”

“Wala akong nakikitang masama❤️❤️❤️”

“Kinilig ang marami peh💞”

“Pero mii bagay kayo. Sana kayo na lang talaga. 😍”

“Sana totoo nalang”

Matatandaang ang tinutukoy rito ni Francine ay ang pinagpiyestahang pictures nila ni Luis na tila magkasama sa Sulvec Greece sa Narvacan, Ilocos kung nasaan ang mansyon ng pamilya Singson.

MAKI-BALITA: Pics ni Francine Garcia kasama anak ni Chavit, pinagpiyestahan