Isang Caviteña, na duda kung may nananalo nga sa lotto, ang pinalad na magwagi ng Superlotto 6/49 Jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa Caviteña, nabago ang kaniyang pananaw sa lotto ng PCSO nang mapanalunan niya ang kalahati ng SuperLotto 6/49 jackpot na P31.7 milyon, na binola noong Agosto 15, 2023, at may six-digit winning combination na 01-05-09-12-14-30.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Tunay na nagbago ang aking perspektibo at paniniwala sa lotto at PCSO. Napapanood ko noon sa TV yung lotto draws pero never ko naisip na meron nga talagang nananalo dito. Hindi ko alam ako na pala yung susunod na tatama,” anang lucky winner.

Nabatid na may dalawang taon pa lamang siyang sumubok sa pagtaya bago pinalad na manalo ng lotto at ang kaniyang lucky numbers ay base sa petsa ng kapanganakan ng kaniyang pamilya.

“Kala ko na joke lang mga jackpot winners. Noong nakita ko agad yung resulta sa koteho, nabigla ako at nagbihis agad para kunin ang aking napanalunan sa PCSO. Ngayon alam ko na ang pakiramdam! Totoo pala ang Lotto at ang mga nag ke-claim ng jackpot prizes," masayang pahayag pa nito.