Isang makahulugang mensahe ang ipinaabot ni Unkabogable Star at It’s Showtime host Vice Ganda matapos niyang mag-upload ng video ng kaniyang pagsayaw kasama ang kapwa hosts ng noontime show.

Ibinahagi ni Vice sa kaniyang TikTok account nitong Linggo, Setyembre 17, ang isang video kung saan sinasayaw ng hosts ang 90s hit na "I'll Be Missing You.”

"Life isn't about waiting for the rain to stop. It's about learning to dance in the rain,” ani Vice sa naturang TikTok post.

It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

“And we dance together as a family," dagdag pa niya.

Matatandaang pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kamakailan ang It’s Showtime ng 12 airing days suspension kaugnay ng pagkain nina Vice at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

Pakatapos nito, inihayag naman ng ABS-CBN na aapela pa raw ito at ang pamunuan ng It’s Showtime sa nasabing desisyon ng MTRCB.

https://balita.net.ph/2023/09/05/its-showtime-aapela-pa-sa-desisyon-ng-mtrcb/