Nakaabang na ang mga tagahanga at tagasuporta ng mga batikang aktres na sina Snooky Serna at Diamond Star Maricel Soriano sa pang-hapong teleseryeng "Pira-Pirasong Paraiso" na isa sa mga collaboration project ng ABS-CBN at TV5, na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Elisse Joson, Loisa Andalio, at Charlie Dizon kasama ang leading men na sina Ronnie Alonte, KD Estrada, at Joseph Marco.

Mahalaga ang papel ni Maricel dahil siya ang nawawalang apo ng mga magkakapatid na Paraiso.

Sa ipinakitang teaser ng pagpasok ni Marya sa serye, ipinakita na kaagad ang magiging tapatan nila ni Snooky na siya namang kontrabida rito.

Patikim pa lang subalit mabigat na kaagad ang mga linyahan ng dalawa na muling nagkasama sa isang proyekto, makalipas ang ilang dekada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Hindi ka mananalo sa akin. Clap. Clap. Clap," ani Snooky.

"Hindi ako natatakot sa 'yo, Judge Jacinda. Ha. Ha. Ha," ganti naman ni Maricel.

Matatandaang sina Snooky, Maricel, at si Dina Bonnevie na nasa "Abot-Kamay na Pangarap" naman sa GMA Network na namamayagpag na serye sa hapon ay nakilala bilang "Regal Babies."

So excited na ang mga netizen kung sino nga ba ang unang mayayanig sa sampal kapag nag-clash na ang mga karakter ng dalawa.

Kilala naman si "Taray Queen" sa mga eksenang ganito, at sa halip na iwasan ng mga artista, aba'y tila isang malaking karangalan sa kanila kapag nakyompal nang malala ni Maricel.

So, abangers na lang!