"Together forever!"

Flinex ni "It's Showtime" host Amy Perez ang mga litrato nila sa naganap na pagkikita nila ng kaibigang si actor-politician Roderick Paulate, na ipinost niya sa Instagram nitong Linggo, Setyembre 17.

Sa kaniyang caption, mababasa ang "Together Forever ❤️ @roderickpaulate." May hashtags itong #friendship, #friendsforlife, #togetherforever, at #funfuntyangamy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi pa malaman kung simpleng pagkikita lamang ito o guest ni Amy si Roderick sa kaniyang vlog.

Natuwa naman ang mga netizen sa reunion ng dalawa, lalo't naging tanyag ang kanilang tandem sa noontime shows noon, gaya ng "Magandang Tanghali Bayan" o MTB. Sa MTB naman pumatok ang segment na "Pera o Bayong."

Bukod sa mga tanungan portion at naglalakihang papremyo sa loob ng bayong, sumikat nang husto si Amy dahil sa pagbigkas niya ng mga "scientific name."

May mga humirit pang sana raw ay maisama na sa It's Showtime si Kuya Dick.

Napakomento rito ang kapwa celebrities na sina Ryan Bang at Kuya Kim Atienza.

Maging ang mga netizen ay napa-throwback at na-miss ang kanilang tandem sa tanghali.

"My two faves in one photo again, our tyang amy and kuya dick! Nakakamiss ang pera o bayong segment sa mtb."

"Magandang Tanghali Bayan! Pera o Bayong! Esep esep! Saka yung mga scientific names!"

"Love to see you both. Friends forever talaga❤️"

"PERA O BAYONG SUPREMACYYYY 😍😍"

"My favoritsus Tandemsus sa tanghaliansus @roderickpaulate @amypcastillo."

Bukod sa Pera o Bayong, naging co-hosts din ang dalawa sa singing competition na "Singing Bee."