Idineklara na bilang isang ‘important cultural property’ ng National Museum of the Philippines ang iconic building ng Manila City Hall nitong Lunes.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan mismo nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto, kasama sina National Museum of the Philippines Director-General Jeremy Barns, Deputy Director General for Administration Atty. Ma. Rosenne Flores-Avila, Deputy Director General for Museums Jorell Legaspi, National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Emmanuel Calairo, at Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

photo courtesy: Manila PIO

Sa nasabing aktibidad, nagpahayag nang labis na kagalakan si Lacuna sa National Museum dahil sa pagkakaloob ng marker na nagdedeklara sa gusali ng Manila City bilang “Important Cultural Property.”

Aniya, ito ay pagpapakita ng mga Pilipino ng kanilang pagtanggap sa kultural at makasaysayang halaga ng tanyag na gusali.

"This will further strengthen the efforts of our local government to strive for progress and development, yet we have that capability to preserve and protect our character as a city rich in heritage and teeming with historical and cultural value," anang alkalde.

Tiniyak din ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay patuloy na makikituwang sa National Museum, National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines, kabilang na ang Department of Tourism, sa hangarin nitong maisulong, mapreserba at maproteksyunan ang pamanang ito ng Maynila at ng bansa.

"Naniniwala tayo na sa pagsisikap nating gawing isang Maringal na Lungsod ang Maynila, isang bahagi nito ang paglingon sa mahahalagang bahagi ng ating nakaraan. Kailangang magsilbing inspirasyon natin ang mga aral ng kasaysayan at sama-sama tayo kumilos at isulong ang pagpapataas ng antas ng ating pagiging lungsod," aniya pa.

Dagdag pa ng alkalde, "We will be a strong city, whose strength lies in the appreciation of lessons taught by our history."

Aniya, napapanahon ang paggagawad ng marker sa city hall dahil ito ay natapat sa selebrasyon ng buwan ng turismo.

"Buong galak nating tinatanggap ang isang marker o pananda para sa ating gusaling pamahalaan ng Maynila bilang katangi-tangi at makabuluhang lugar na dapat bisitahin at pasyalan, di lamang ng mga turistang galing sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, kundi maging ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo," pahayag pa ni Lacuna.

Nabatid na ang Manila City Hall ay itinayo noong 1904, sa panahon ni dating Mayor Arsenio Cruz Herrera.

Ito ay nawasak noong Battle for Manila noong 1945 at na-rehabilitate noong 1946, sa pamamagitan ng Philippine Rehabilitation Act of 1946.

Ani Lacuna, ang pamosong gusali ay simbolo ng lakas at tatag ng Manilenyo at nagsisilbing saksi sa mayamang kasaysayan ng lungsod.

"Magpahanggang ngayon, itong Manila City Hall ay nagsisilbing mahalagang imahe ng kapitolyo ng ating bansa," sabi pa ng lady mayor.