Magpapatupad na naman ng malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa Martes, Setyembre 19.

Sa abiso ng Shell, Caltex at Clean Fuel, nasa ₱2.50 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang ₱2 naman ang ipapatong sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Magtataas din ng ₱2 sa presyo ng kada litro ng kerosene ang Shell at Caltex.

National

KMP Chair Ramos sa Martial Law anniv: 'Nevel Again, Never Forget!'

Ang price adjustment ng Shell ay epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes habang magpapatupad naman ng dagdag-presyo ang Clean Fuel dakong 4:00 ng hapon.

Ang panibagong dagdag-presyo ay bunsod na rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.