Binalikan ng aktor at komedyanteng si Bayani Agbayani ang kaniyang dating buhay sa naging panayam niya kay Korina Sanchez nitong Linggo, Setyembre 17.

Tinanong siya ni Korina sa isang bahagi ng panayam kung may epekto ba sa kaniya kapag tinatawag siyang mahirap. Pero umiling lang ang komedyante.

“Para ngang mahirap pa kami sa daga noon, e. Kasi wala kaming bahay. Wala kaming regular na oras ng pagkain. Minsan, nagtatanghalian kami 3, 4 pm,” kuwento ni Bayani.

Dagdag pa niya, wala umanong nagpapautang sa kanila dahil alam siguro ng mga ito na wala silang ipambabayad.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Tapos, nangupahan kami. Sa Malabon, nangupahan kami…Every year, umiiba kami ng bahay. Kasi every year…may law na…pwedeng magdagdag ‘yung landlady, ‘yung landlord. Halimbawa, umupa kami sa ₱300. Tapos, next year ₱350 na. Lilipat si Nanay sa ₱250.”

At dahil nga palipat-lipat sila kada taon, halos naikot na umano ni Bayani ang buong Malabon.

Mapapanood ang kabuuang panayam ni Bayani sa Korina Interviews sa NET25.