Magkasunod na inilabas ang trailer at poster ng “Five Breakups and a Romance” nina Alden Richards at Julia Montes nitong Sabado, Setyembre 16.

Ang “Five Breakups and a Romance” ay handog ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad Entertainment. Nakatakdang ipalabas ang nasabing pelikula sa Oktubre 18, 2023. Ito ay dinirek at isinulat ni Irene Emma Villamor na direktor din ng mga pelikulang “Ulan”, “On Vodka, Beer, and Regrets”, “Sid & Aya: Not A Love Story”, at marami pa.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang “scene drop” nina Alden at Julia sa pelikula kung saan nagsasagutan silang dalawa.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

MAKI-BALITA: Teaser ng pelikula nina Julia, Alden inilabas na

Matatandaan ding inamin ni Julia sa kaniyang one on one conversation with Alden, na sa pelikulang ito, first time umano niyang maging proud sa lahat ng kaniyang naging project bilang artista.

MAKI-BALITA: Julia Montes, first time naging proud sa project kung saan kasama si Alden

Kaya naman, hindi maitatago ang excitement ng fans na mapanood na ang pelikula. Narito ang komento ng ilan sa Facebook page ni Alden kung saan na-upload ang trailer:

“I'll definitely watch it! 😍”

“Excited for this .... congratulations in advance my loveeee”

“Nakakaexcite”

“Exciting ang kwento🥰”

“box office hit nanaman to lodi!”

Sa kasalukuyan, ang trailer ay mayroon nang mahigit 3k reactions, 390 shares, at 34k views