Ipinagdiwang ng aktres na si Kris Bernal ang first month ni Baby Hailee Luca sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Setyembre 15.

“And in a blink, my #LittleSunshine, @haileelucca, is one month old ☝🏻 Celebrating a month of pure newborn bliss while soaking in every second of it; filling our lives and hearts w/ so much love and purpose! 🥰” pahayag ni Kris sa caption ng kaniyang post.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

View this post on Instagram

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Ikinuwento rin ng aktres ang kaniyang karanasan bilang ina sa mga unang linggo ng kapanganakan ni Baby Hailee.

“There is nothing like the first weeks at home w/ a newborn. Sleep deprivation is real! 🥹 It's the craziest mix of excitement and exhaustion as we get to know each other. It's quite challeging as me and @haileelucca are both doing things we've never done before. Inhaling the happy, exhaling the hard! 😅 I wouldn't change it for the world!”

Pero tila may napansin ang netizens sa ibinahaging video ni Kris. Narito ang kanilang mga komento:

“Ka look a like ng daddy nya”

"Kamukha Ng Daddy :)"

"Mini me daddy'😍😍😍"

"Hahaha! Mhl na mhl ka ng asawa mo o!!! Xerox copy nya! 🫰♥️😆😇🥰 @krisbernal"

"Little choi perry 😍😍"

Ikinasal si Kris noong Setyembre 2021 sa kaniyang longtime boyfriend na si Choi Perry na isang businessman.

Matatandaang kumanta pa roon ang multi-awarded OPM singer na si Jonalyn Viray nang naka-face mask.

MAKI-BALITA: Kris Bernal engaged na