Pinapasama ni dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno si Jelai Andres sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” nitong Biyernes, Setyembre 15.

Daing kasi ni Jelai, kung hindi pa sila inimbita ni Yorme sa show nitong “Iskovery Night”, hindi pa sila magkakasama ng boy bestfriend niyang si Buboy Villar dahil sa sobrang busy ng huli.

At dahil nga madalas nang wala si Buboy at si Kokoy De Santos, hindi na niya nakakasama ang dalawa sa mga lakad.

“Siya lang talaga ‘yung lagi kong kasama. Siya, si Kokoy…So, parehas silang busy. Naiwanan akong mag-isa,” sabi ni Jelai.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang sey tuloy ni Yorme, “Eh ‘di sama ka na sa ‘min sa Eat Bulaga.”

Natuwa naman si Jelai sa sinabi ni Yorme at agad na pumayag. Pero after niyon, wala na namang nabanggit pang detalye kung kailan siya magsisimula, o kung pumayag ba ang pamunuan ng TAPE, Inc.

Matatandaang noong Hunyo ay nagsimulang mag-co host si Yorme sa Eat Bulaga kung saan niya nakasama sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya at iba pa.