Tila ikinumpara ng netizens ang dating Sexbomb Girls member na si Izzy Trazona sa isang tatay na nag-viral noong Abril dahil sa pagtanggap nito sa buong pagkatao ng anak.

Sa artikulo ng Balita noong Abril, hinangaan ng netizens ang espesyal na mensahe ng amang si John Alexis Avestrus na nagpapakita ng buong pagsuporta sa gusto ng anak niyang si Santino Zach Avestrus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aniya, “Pinanganak kang lalaki pero pusong babae. Di ako magician para gawin kang ija! Pero mahal kita kaya, suporta ako sa kung anuman ang gusto mo.”

“Iyan ang wish mo isa ka ng sirena. Huwag mo hayaang ibaba nila ang bandera mo! I love you Santino, Papa B,” dagdag pa niya.

Eksklusibo ring nakapanayam ng Balita si Avestrus.

Maki-Balita: Tatay na ‘niyakap’ ang pagkatao ng anak, hinangaan

Dahil dito, tila ikinumpara at pinagsabihan ng netizens si Izzy tungkol sa pagiging magulang.

Matatandaang naging kontrobersyal ang naging saloobin ni Izzy tungkol sa anak na si Andrei Trazona, na ngayo’y kilala bilang “Sofia.”

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Sa mismong Facebook post ni Avestrus, makikita ang mga reaksyon ng netizens.

“Buti pa to tanggap sya kung anu sya e yung sya kaya hmm”

"Anak mo sarili mo kadugo bakit hindi mo matanggap sarili mo anak🤦🏻‍♀️ Maigi pato🤍"

"Get get aw Izzy Trazona-Aragon"

"Diba, mas better sa pakiramdam ang life with acceptance. Izzy, order ka ba sakin natasha beh?"

"Inotepad mo to ante Izzy Trazona-Aragon"

"Oo nga ..Ganito dapat maging magulang.."

"Take note mo to sexbomb Izzy"

"Ganito maging magulang Izzy, hindi yong may pa'bible kineme na verse. 🥰😀"

"Ganito maging magulang Izzy AHAHAHA."