Naganap na ang muling paghaharap at pagkikita nina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta, sa media conference ng kanilang upcoming concert na "Dear Heart" sa Okada Manila nitong Biyernes, Setyembre 15.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’

Subalit kahit na iisang venue lamang, magkahiwalay na mediacon ang naganap. Nang patapos na si Gabby ay saka naman umentrada si Shawie kaya nagkita at nagkaharap pa rin sila, at nagpa-picture together.

Bago tuluyang umalis ay humirit muna ng yakap si Gabby sa dating misis.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

"Uy first time na nagkita, first time kong nahawakan ang kamay oh, first time. Sabi ko sa kanila kanina, pagkatapos ko dito aalis ako, baka hindi tayo magkita. Puwede ba tayo mag-hug bago ako umalis?" sey ni Gabby.

Bagay na pinagbigyan naman ni Shawie.

Humirit pa si Gabby na dati raw Concepcion si Sharon.

"Uulitin ko yung sinabi ko noon, ladies and gentlemen, on stage, Ms. Sharon... Concepcion noong araw 'to eh. Sharon... Sharon na lang. Pa-kiss ulit..."

Matapos ang maiksing photo opportunity, umeskapo na sa entablado si Gabby at si Megastar naman ang sumalang.

Dito ay napansin umano kaagad ng press na blooming na blooming ang Megastar.

Inunahan na niya ang media peepz at isa-isang sinagot ang mga isyung naipukol sa kaniya sa nagdaang buwan, gaya na lamang ng pag-unfollow ng anak nila ni Gabby na si KC Concepcion sa kaniyang step father na si Atty. Kiko Pangilinan at step sister na si Frankie.

Giit ni Shawie, nalungkot siya sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Kakie. Kung si KC man ay independent, iyon daw ay choice niya.

"Being alone is her choice," ani Sharon.

Hindi naman daw niya pinigilan ang anak sa gusto nito dahil gusto niya itong maging independent.

MAKI-BALITA: KC, kinumpirmang inunfollow sina Kiko, Kakie para sa ‘peace of mind’