Supportive at proud dad si Michael Navarro, dating partner ni Sexbomb Izzy Trazona, sa kaniyang anak na si Andrei Trazona sa pagiging drag queen nito.

“Dalaga na ang anak ko pwede ng ilaban sa Miss Gay International hahahahaha. Sinong pupusta?” saad ni Navarro sa kaniyang Facebook post noong Agosto 20 nang ibahagi niya ang video ni Andrei na ngayo’y kilala bilang “Sofia.”

Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Muli kasing binalikan ng netizens ang naturang post kaya’t napag-usapan ulit ito.

“Alabyu papa!” komento naman ni Andrei.

“Ako na mag-manager sayo,” sagot naman ng ama.

Si Navarro, o kilala ring Michael Arapeles, ang dating partner ni Izzy at si Sofia ang naging bunga nila. Siya rin ang founder ng isang dance group na Philippine Island Assassins.

Umani naman ng reaksyon mula sa netizens ang naturang post ni Navarro.

"Support naman ako sa kung ano gusto ng anak ko...wag lang mg bbisyo o mang aapak ng ibang tao basta mbuti syang tao at my takot ky lord kng ano gusto nya at kaya namin ibgay ssuporthan namin bsta lagi lang kayo mg iingat,🙏🥰"

"Baka kaya Hindi lang matanggap ni Izzy kc mas maganda pa sa kanya anak nya 😅 charut!"

"buti pa tong ama nya supportive hindi katulad yung nanay nya na Sexbomb Dancer"

"buti pa ang popsy, supportive.❤️"

"Ang supportive ng Tatay niya!!🥹🥹🥹 Hindi lahat ng Tatay tanggap ang pagkabading or tiboli ng anak...kasi sa ganitong sitwasyon mas nanay ang makakaintindi at makakaunawa pero sa ngayon baliktad ang kay andrie ang nanay niya... ang hindi matanggap kung ano ung Piniling buhay ng anak niya aww sad lang ah... magiging ok din kayo mag ina magiging proud din sayo momshie mo kasi wala nman nanay na kayang tiisin ang anak at lalong walang anak na kayang tiisin ang magulang...."

"Deserve ma flex sa Papa"

"Apaka bait ng tatay mo ☺️ kaso nanay mo medyo may pagka makitid kaya out si mudra mo!😝"

Kaugnay na Balita: