Nagpahayag na ng pagkaalarma ang Armed Force of the Philippines (AFP) kasunod ng namataang 40 Chinese fishing vessels (CFVs) sa Rozul (Iroquois) Reef na saklaw pa ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
“But the good news is we also have our presence there,” paliwanag ni Carlos kung saan tinukoy ang barko ng Philippine Navy (PN) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
“So, we are addressing the issue on this swarming," anang opisyal.
Binanggit din ni Carlos na nasimot na rin ang mga coral sa Rozul Reef matapos matuklasan sa isinagawang underwater survey ng mga tauhan ng PN.
PNA