Ibinahagi ni Yassi Pressman nitong Huwebes, Setyembre 14, sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang mga artistang gusto niyang makatrabaho sa pagbabalik niya sa GMA Network.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, tinanong ni Tito Boy si Yassi kung sino ang gusto niyang maging leading man bukod kay Ruru Madrid sa action series na “Black Rider”.

Pero bago magbanggit ng pangalan ng lalaking aktor, si Marian Rivera muna ang inuna niya.

“Siguro po, siyempre, of course, working also with Ate Marian.”

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

Saka lang niya dinagdagan ang listahan kung saan kabilang na roon sina Alden Richards, Dingdong Dantes, at Dennis Trillo.

At sa kaniyang pagbabalik sa GMA Network, mas magiging mature umano siya matapos ang sampung taon.

Bukod sa action series na “Black Rider”, bibida rin si Yassi sa collaboration film ng GMA Network at Viva Films na “Video City” kung saan si Ruru pa rin ang leading man niya.