“I’m sorry Rendon hindi ko na uulitin.”

Ito ang ibinahagi ng social media personality na si Rendon Labador sa kaniyang Instagram story na aniya kay Vice Ganda, ito raw ang “password” para sa katahimikan ng Pilipinas.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

“Tandaan mo ang password para sa katahimikan ng Pilipinas: I’m sorry Rendon hindi ko na uulitin,” saad ni Rendon sa kaniyang IG story.

Bukod dito pinasaringan niya pa ang Unkabogable star.

“Baka mawalan ka ng show dahil sa pride mo. Kawawa naman yung partner mo na umaasa lang sayo diba?”

Sa parehong IG story, tahasang inuutusan ng social media personality ang It’s Showtime host na mag-public apology.

Nangyari ang pang-uutos na ito matapos lumabas ang balitang puwedeng makatulong ang simpleng paghingi ng tawad sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa kinahaharap na 12 airing days suspension ng programa, ayon mismo kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto.

Maki-Balita: Rendon inuutusan si Vice Ganda na mag-public apology

Sa Instagram story ni Rendon, sunod-sunod ang mga utos niya kay Vice na mag-public apology

“Ipakita mo sa mga taga suporta mo na karapat-dapat ka sa suporta nila. Mag-PUBLIC APOLOGY ka na para makuha mo ang respeto ko. Madami kang taga suporta na mahina ang utak, tulungan natin sila,” saad ng social media personality kay Vice.

Maki-Balita: Rendon kay Vice Ganda: ‘Mag-public apology ka para makuha mo respeto ko’