Ipinasilip na ng aktor na si Albert Martinez sa kaniyang Instagram account ang karakter na gagampanan niya sa pelikulang “Pedro Penduko”.

 Bagama’t wala pang nababanggit na kabuuang detalye tungkol sa karakter na gagampanan ni Albert, makikita sa larawang ibinahagi niya ang kaniyang mala-ermitanyong hitsura na long hair at balbas-sarado.

Na-excite naman ang fans sa kaniyang pasilip:

“Wow! Transformation....exciting! 🙌”

Pedro Penduko ni Matteo isasali sa MMFF

"Omg!!! Soooo excited 🙌"

"Omg 😳 nakaka excite 💛"

“Waiting tito pogi🤍🤍🤍”

“OMG Direk! Napapaisip ako sa magiging character mo po sa #Penduko. 😱”

Ang pelikulang “Pedro Penduko” ay ididiirek ni John Paul Laxamana at magiging bahagi ng Metro Manila Film Festival 2023. Nauna na itong ianunsiyo noon pang 2020 pero dahil sa banta ng pandemya, hindi natuloy. 

Matatandaan ding kay James Reid unang ibinigay ang role bilang Pedro Penduko bago napunta kay Matteo Guidicelli.

https://balita.net.ph/2019/06/01/james-may-spinal-injuries-bumitiw-sa-pedro-penduko/