Naglabas pa ng saloobin ang drag queen na si Sofia o Andrei Trazona hinggil sa pagmamahal ng kaniyang ina na si dating Sexbomb Girls member Izzy Trazona-Aragon.

“It’s like saying i love you because you’re my son but i don’t accept you for who you are,” ani Sofia sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 12.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bago ang nasabing pahayag, nauna nang inamin ni Sofia na nagsinungaling siya sa sinabi niyang suportado siya ng kaniyang ina sa pagiging “bading” at “drag queen.”

Nagawa lamang daw niyang magsinungaling dahil gusto niyang protektahan ang ina.

“I LIED IN AN INTERVIEW that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there’s no point in protecting her because the truth came out straight from her,” batid nito.

Maki-Balita: Drag queen Sofia kay Sexbomb Izzy: ‘I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore’

Matatandaang naglabas ng saloobin si Izzy sa kaniyang Facebook post kamakailan hinggil kay Andrei.

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?