Ibinida ng mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ang kanilang family photos kasama ang bagong silang na baby girl na si "Polly."

Ito ang kauna-unahang family photos na ibinida ng mag-asawang Soriano simula nang manganak ang tinaguriang "Ultimate Multimedia Star."

"4ever 🤍," caption ni Toni sa kaniyang Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Caption naman ni Direk Paul, "Family 🥰🥰🥰"

Tugon naman dito ni Toni, "My heart and soul❤️"

Samantala, naglabas din si Toni ng isang video kung saan nagbigay siya ng ilang update tungkol sa kaniyang breastfeeding kay Polly at pagtungo sa "TGS" studio para sa kanilang photoshoot.

Nabanggit ni Toni na medyo feeling niya ay restless pa siya dahil nga padede mom pa siya kay Polly, subalit umiinom naman daw siya ng supplements upang mapanumbalik ang kaniyang lakas.

Pansin naman ng mga netizen ay tila blooming daw at nakabawi-bawi na si Toni sa kaniyang panganganak.

"Superwoman!!! You’re doing great mommy… and looking great too while at it."

"Blooming!"

"grabe ang blooming!"

"Super fresh and blooming mo Tin! 😍 Parang hindi naman ganyan itsura ko dati after ko manganak. Hahaha! Miss you! Virtual kisses to Polly. 😘😘😘."