Napa-OMG si Megastar Sharon Cuneta nang subukin daw niyang gamitin ang isang aging app at i-post ang naging resulta nito, sa kaniyang Instagram account nitong araw ng Miyerkules, Setyembre 13.

Aniya, kamukha raw niya ang yumaong Mommy Elaine Gamboa at ang kaniyang titang si Mama Helen Gamboa, misis ni dating senate president Tito Sotto III.

"Sinubukan ko ang isang aging app - OMG kamukha ko Mommy at Mama Helen ko pagtanda ko pa!!!😂😂," anang Mega.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagkomento naman dito si ABS-CBN news anchor Karen Davila.

"Still beautiful - elegant ❤️," sey ni Karen.

Pati ang aktres na si Manilyn Reynes ay nagkomento rin, "You’re beautiful, My @reallysharoncuneta 💓."

Samantala, abala si Mega para sa concert na pagtatambalan nila ng dating mister na si Gabby Concepcion.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘magkakabalikan’