Kinakiligan ng "A'Tin" fans ang naging sagot ni "The Voice Generations" Coach Stell Ajero ng SB19 kung may girlfriend na ba siya, nang sumalang siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan.

“How does it feel to be the ’forever boyfriend?’” untag ng King of Talk.

Sagot ni Stell, may isang beses daw na nagtampo sa kaniya ang fans nang tanungin siya sa isang panayam kung may girlfriend na siya. Nang sabihin niyang wala, hindi raw kinaya ng ilang A'Tin.

“Meron pong one time na ininterview kami, ’di ko na po maalala kung anong interview, tinanong ako kung meron akong girlfriend, and sinabi ko wala,” kwento niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“So sabi ko, ‘ah, gusto n'yo pala ng ganitong klaseng biruan.’ So ever since po sabi ko sige, dahil ganiyan ang gusto n'yo, ako na ’yung forever boyfriend n'yo,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sa mga posts ko, sa lahat ng lines na sinasabi ko, or mga spiels ko sa concert namin, lagi ko silang iniinclude na ako ’yung boyfriend nila, which is nakakatuwa kasi mayroon kaming ganung interaction."

"Pero ano po ’yun, may boundaries pa din, like hindi talaga siya super sineseryoso ng A’Tin," aniya pa.