Usap-usapan ang pag-walk out ng aktres na si Julia Barretto nang matanong ng isang reporter kung ano ang reaksiyon niya sa muling pagkikita at pagbebeso pa ng kaniyang boyfriend na si Gerald Anderson, at dating naugnay sa kaniya na si Maja Salvador, na misis na ni Rambo Nuñez.

Sa una pa lang kasi ng interview ay natanong na kaagad si Julia tungkol sa usap-usapang secretly married na sila ni Gerald Anderson.

Paliwanag naman ni Julia, sa bilis daw ng mga marites ngayon, wala silang maitatago sa publiko, kaya wala itong katotohanan.

Biglang naisingit ng nabanggit na babaeng reporter ang tanong tungkol sa kaniyang reaksiyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Oh my goodness madam, that's not the event for this, bye!" tila nairitang sagot ni Julia sabay pakawala ng flying kiss.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I love it! Very classy!"

"Maldita talaga hahaha..."

"Sana sinabi na lang niya, I refuse to answer or no comment hahaha."

"Slaaaayyy!"

"Yung ibang reporters kasi wala sa hulo magtanong hahaha."

"Tama lang 'yan... baka wala siya sa mood that night."

"Yung reporter din kasi kung makapagtanong eh hahaha."