Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na "Cristy Ferminute" ang viral video ng aktres na si Julia Barretto matapos itong mag-walk out nang matanong ng isang babaeng reporter patungkol sa pagkikita ng boyfriend na si Gerald Anderson at "ex" nitong si Maja Salvador.

MAKI-BALITA: Pag-walk out ni Julia nang matanong tungkol kina Gerald-Maja, usap-usapan

Ani Cristy, halatang-halatang wala raw sa mood nang gabing iyon si Julia, at baka hindi na rin nagustuhan ang mga naunang tanong sa kaniya bago ang tanong na ikina-walk out niya.

Nauntag kasi muna si Julia kung totoo bang lihim na silang nagpakasal ni Gerald. Tugon naman ni Julia, hindi ito totoo, at kung totoo man, walang ligtas sa mga marites ang mga balitang ganito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Pag wala sa mood ang artista, tumabi-tabi ka na," sey pa ni Cristy.

Dahil daw sa ginawa niya ay tila "nabusog" na naman siya sa bashing.

Kaya napapatanong daw ang mga netizen kung sakaling si Bea Alonzo naman ang natanong sa kaniya, na pinakamalaking kontrobersiyang kinasangkutan nila ng boyfriend na si Gerald.

Paano raw ba kung sina Gerald at Bea ang biglang nagkita at nagbeso, ano raw kaya ang magiging reaksiyon dito ni Julia?

"Hindi lang magwo-walk out itong si Julia, mag-100 meter dash ito sa pagtakbo palayo, 'di ba..." gitt ng showbiz columnist.

Nasabi pa ni Cristy na "malditiks" si Julia dahil kung ano raw ang gustong sabihin ay sinasabi nito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Julia tungkol sa isyu.