Implementasyon ng rice price ceiling, sinuportahan ng 17 Metro Manila mayors
Implementasyon ng rice price ceiling, sinuportahan ng 17 Metro Manila mayors
Sinuportahan ng 17 alkalde ng Metro Manila ang ipinatutupad na mandated price ceiling sa bigas.
Ito ang napagkasunduan ng mga naturang alkalde sa isinagawang pagpupulong ng Metro Manila Council nitong Martes ng hapon.
Nakapaloob sa isang resolusyon ng Metro Manila Council ang suporta ng mga alkalde sa Executive Order No. 39.
Sa monitoring at pag-iinspeksyon nina San Juan City Mayor Francis Zamora, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at Pasay City Mayor Mayor Imelda Calixto-Rubiano sa mga palengke sa kanilang lungsod, compliant ang mga rice retailer sa EO 39 na ipinatupad pa simula Setyembre 5 na nagtatakda sa presyo ng regular milled rice na ₱41 kada kilo, at well-milled rice na ₱45 kada kilo.
Idinugtong pa ng mga alkalde, namahagi na rin sila ng iba't ibang klase ng tulong sa mga rice retailer na apektado ng price ceiling.
Kabilang sa ipinamahagi ng mga ito ang karagdagang financial assistance at libreng renta sa kanilang pwesto sa palengke.