Usap-usapan sa social media ang "paghalik" ni Aljur Abrenica sa kaniyang jowang si AJ Raval habang sila umano ay nasa isang show sa Canada.

Mapapanood sa video na tila hinaharana ni Aljur si AJ sa saliw ng kaniyang "Ikaw Lamang."

Makikita naman ang audience na naghiyawan sila nang halikan na nga ni Aljur ang kaniyang jowa, matapos na tila magpaalam muna ang una sa huli.

Ang unang halik sa labi ay tumagal nang ilang segundo. Pagkatapos ay muling naglapat ang kanilang mga labi.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Matapos sa labi, tinaniman naman ng halik sa noo ng aktor si AJ.

Narito ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"oh my God"

"Weh"

"kapal"

"Kakilabot kahiya sa mga anak nya!😩"

"Kasuya"

Hanggang ngayon ay patuloy na nakatatanggap ng kritisismo ang relasyon ng dalawa, kahit na ipinaliwanag na ni AJ na "hiwalay" na sina Aljur at Kylie Padilla bago pa man siya pumasok sa eksena.

MAKI-BALITA: ‘Ikamatay man daw ng pamilya niya!’ AJ hindi raw kabit ni Aljur noon 

MAKI-BALITA: Ibang babae raw involve! AJ kilala sumira sa relasyon nina Aljur, Kylie

Sa kasalukuyan kasi ay hindi pa annulled ang kasal nina Aljur at Kylie. Si Kylie, batay sa kaniyang cryptic posts, ay tila may bago na ring karelasyon.

MAKI-BALITA: Kylie Padilla, nakikipag-date na ulit; walang nakikitang masama kung muling magka-jowa