Sinagot ng award-winning actress na si Alessandra De Rossi ang isang netizen na umokray sa pelikulang "What If" na pinagtambalan nila ni JM De Guzman, at kasalukuyang umeere sa Netflix.

Sa kabila ng mga positibong feedback dito, isang netizen sa X ang nagsabing ito raw ang pinakapangit na pelikula ni Alex, para sa kaniya.

"What If pinakapanget na movie ni @msderossi Sorry I like you Alex but this is such a snoozefest. Maganda location pero wala chemistry, [pakapanget] ng storyline," anang netizen.

Ibinahagi naman ito ni Alex at kinomentuhan, "Patawarin mo ako? Sorry na. Tulog na.🥹"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/msderossi/status/1701441487207334288

Sa kabilang banda, mas lamang naman ang nagsasabing maganda at nakakaantig ang pelikula na unang pagtatambal nila ng Kapamilya actor.