Tinutukan ang pagsisimula ng pinakabagong interactive game show ng TV5 na “SP1NGO,” nitong Lunes, Setyembre 11, 2023.

Sa pilot episode ng game show, sumalang sa tagisan ng pagsagot sa iba’t ibang trivia questions at ikot ng swerte ang cast ng teleseryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na sina Charlie Dizon, Joseph Marco, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Alexa Ilacad, at KD Estrada.

Sa unang round ay nagwagi ang tambalan nina Charlie at Joseph o “Cheph” at nagwagi ng tatlong libong piso, habang sina Loisa at Ronnie naman ang nakakuha ng limang libong piso matapos manalo sa ikalawang round. Naging mahigpit naman ang laban nang unti-unting makabahol sina Alexa at KD o “KDLex,” ngunit sa huling round, nanaig pa rin ang pares na “Cheph”na siyang may karagdagang pitong libong piso at umabante sa jackpot round.

Nakaipon ng ₱50,000 ang mga manlalaro sa kani-kanilang pag-“Spin for the Win” na siya namang nadagdagan ng ₱30,000 sa pagsalang ni Charlie sa jackpot round, habang karagdagang ₱10,000 naman ang nakuha nila ni Joseph sa kanilang final spin. Kabuuang  ₱100,000 ang nauiwi ng pares na anila ay ibabahagi nila sa iba pang cast members ng kanilang teleserye.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Samantala, wagi rin ng tig-iisang libong piso ang 50 home viewers na naki-pindot habang umeere ang programa. Isa naman nakakuha ng jackpot prize na 100,000 matapos nitong makumpleto ang mga numerong lumabas sa buong episode.

Sa opisyal na Facebook page ng TV5, ibinahagi naman nito kung paano makakapaglaro ang mga viewers sa kani-kanilang nga tahanan.

Mapapanood ang “SP1NGO,” hosted by Heneral John Arcilla, kasama ang “Spingorgeous Girl” na si Sam Coloso, Lunes hanggang Biyernes, 5:30PM sa TV5 at sa kanilang opisyal na YouTube page.