Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa bansa matapos yanigin ng magnitude 6.4 ang Cagayan nitong Martes ng gabi, Setyembre 12.

“No destructive tsunami threat exists based on available data,” pahayag ng Phivolcs.

“This is for information purposes only and there is no tsunami threat from this earthquake.”

“However, earthquakes of this size may generate unusual sea level disturbances that may be observed along coasts near earthquake epicenter of Calayan, Cagayan,” saad pa nito.

Probinsya

Cagayan, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Nauna nang inihayag ng Phivolcs na yumanig ang naturang magnitude 6.4 na lindol dakong 7:03 ng gabi.

Namataan ang umano epicenter nito 26 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 10 kilometro.