Mukhang handang-handa na ang hunk actor na si Albie Casiño sumabak sa mas level up na daring roles matapos niyang pumirma ng kontrata sa Viva.

Sa panayam ng entertainment site na "Pikapika," bet ni Albie na mag-explore sa kaniyang mga puwedeng gawin sa showbiz kaya nag-babu na siya sa "Star Magic" at sa kaniyang talent manager na si Leo Dominguez na nasa ibang bansa pa, matapos dumalo sa kasal ng Kapamilya star na si Lovi Poe.

Wala naman daw siyang "masamang tinapay" sa dating TM at Star Magic, pawang nice words lang daw ang masasabi niya. Isa pa, tapos na rin naman daw ang kontrata niya sa talent management arm ng Kapamilya Network.

At dahil nga nasa Viva na siya, posibleng mas dumami pa ang pelikulang gawin niya sa Vivamax. Nasampolan na nga siya sa "Biyak" at "Moonlight Butterfly." Eh may ibubuga naman talaga si Albie!

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hirit pa nga niya, kung may titulo mang "Vivamax King" eh bet niyang maputungan ng korona nito!

“Ready na ako. Meron na bang Vivamax King? If none, I’ll take that crown," natatawa raw na biro ni Albie.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Albie dahil sa kaniyang tila lasing daw na panghaharana sa mga kandidata ng isang pageant.

Paglilinaw naman ng dating manager, hindi lasing si Albie kundi puyat lang.

MAKI-BALITA: Albie Casiño hindi lasing sa Mutya ng Cotabato: ‘Puyat lang!’