Naloka ang mga netizen sa lumabas na ulat tungkol sa identical twins na may iisang boyfriend lamang, na kasa-kasama nila sa iisang bubong!

Halos nakasanayan na raw ng 35-anyos na kambal na sina Anna at Lucy DeCinque ng Australia na iisa lamang ang lahat sa kanila, magmula sa kamang tinutulugan, kinakain, mga damit na isinusuot, at paliligo nang sabay. Kaya pati raw sa mapapangasawa, napagpasyahan nilang iisang lalaki na lamang ang kanilang jowain, as in 2-in-1.

Dumaan pa sila sa plastic surgery para lang daw mawala ang kakaibang bagay na magpapakita sa kanilang kaibahan. Mukhang pinanindigan na talaga ng kambal ang pagiging "iisa" nila.

Sumikat pa lalo ang kambal na sina Anna at Lucy nang maitampok sila ng reality TV show na "Extreme Sisters" sa Australia. Dito ay sinabi nilang sila raw ang "most identical in the world" dahil para sa kanila, iisa lang ang lahat sa kanila, pati na ang paraan ng pag-iisip at emosyon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya naman nahulog pareho ang loob nila sa jowang si "Ben" na ka-live in na nila sa bahay. Gusto rin daw ng kambal, sabay sana silang mabuntis kay Ben. Si Ben ay nakilala raw nila sa Facebook at mayroon din itong kakambal.

Sa panayam sa kambal, napagdesisyunan daw nilang i-date na lang nang sabay si Ben at huwag nang humanap ng iba pang lalaki, upang hindi na sila maghiwalay.

Subalit sa sitwasyon nila ngayon, hindi sila puwedeng magpakasal na tatlo dahil walang ganitong batas sa Australia.

Ngayong 2023, binabalak na raw ng tatlo na magkabuntisan na. Ang tanong, maging identical twins din kaya ang mga junakis nila?