Kinaaliwan ng netizens ang bonding ng mag-amang Jhong Hilario at Sarina sa ibinahaging video ng aktor nitong Martes, Setyembre 12.

Makikita kasi sa video ni Jhong sa Instagram na tila minamasahe siya ni Sarina habang nakadapa siya.

“The best massage in the world! Thank you my Princess @sarinahilario 💜 tanggal pagod ni Daddy. 😘 @maialevisteazores,” saad ni Jhong sa caption ng post.

Narito naman ang ilang nakakatuwang komento ng netizen sa nasabing video:

It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

“Ako din massage sari😍”

“Kaka tuwa talaga si Sarina”

“Remembering nung bata kami, kapag nagpapa masahe ang fadir nireWrestling namin HAHAHAHA!”

“So sweet ❤️”

“good job sarina❤️galing nman😍”

Kasalukuyang host si Jhong Hilario sa noontime show na “It’s Showtime” na matatandaang pinatawan ng 12 days airing suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kamakailan.