Bad trip ang Viva artist at former Hashtags member na si Nikko Natividad sa kaniyang ibinahaging Facebook at Instagram posts.

Ang siste, binibenta raw ni Nikko ang kaniyang sasakyan at nakipag-meet up sa sure buyer na kulang pala ang dalang pera. Hindi raw nagustuhan ng aktor ang galawan ng buyer.

"Medyo off lang yung ginawa saken nung isang buyer kanina. Bago kame mag meet tinawaran nya yung sasakyan ko. Nakiusap sya ng sobra saken. Pumayag ako dahil sure buyer daw at kukunin nya na. Kulang 2 oras ko sya inantay tapos pagdating niya bigla nya sasabihin saken na 'bawas 50k kasi kulang pera ko ito lang dala ko' be professional naman tayo."

Hitsurang hindi na kinaya ni Nikko ang pambuburaot raw ng buyer na pati mga fans ay nasama pa sa tawaran portion ng sasakyan niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Panloloko na yang ganyang galawan. Ok lang naman if gusto nyo lang tignan. Pero yun ok na tayo tapos pag nag meet up bigla nyo ako babanatan na kulang pera nyo. Parang ginagawa nyo naman akong timawa at sisilawin nyo ako na dala nyo na pera kaso ito lang. At sasabihan nyo pako na madali lang naman saken pera kasi marami akong fans? Anu tingin nyo saken namamalimos sa fans? Wag ganun brother."

Ang nakakawindang hindi na nga natuloy ang transaction at kung ano-ano pa ang sinabi ng buyer nakuha pa raw magpapicture. Kaya naman comment ng netizen baka raw gusto lang makita ng personal si Nikko.

Samantala, sa bagong post ng aktor ay nagsabi siyang magpapahinga muna sa Facebook at Instagram dahil mainit na raw siya rito.

"Mainit na tayo kay facebook at instagram kaya Magpapahinga po muna ako. Kailangan ko muna hanapin ang sarili ko. Maraming salamat netizen hanggang sa muli. Nagmamahal NIKKODAKS."

"Babalik din ako soon. Baka bukas ng gabe."

MAKI-BALITA: Nikko Natividad mukhang susunod na raw kay Rendon Labador

Kaaliw lang ang sinabi niyang mukhang susunod na raw siya kay Rendon dahil may violation raw ang page niya sa community standards ng Facebook.