"Magpapahinga" muna sa pagpo-post sa Instagram ang dating Hashtags member na si Nikko Natividad matapos makatanggap ng notification na nagba-violate siya sa community standards ng nabanggit na social media platform.

Kilala kasi si Nikko sa kaniyang "naughty posts" kaya naman napadalhan na rin siya ng babala na "This Page has shared posts that violate our Community Standards."

Kaya sey ni Nikko, "Mukang susunod nako kay rendon labrador😅."

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa isa pang Instagram post kalakip ang isang larawan na tila nakatapis lang siya ng tuwalya sa katawan at ulo habang makikita ang isang dagat, sinabi ni Nikko na medyo mag-lie low na muna siya sa pagpo-post dahil "mainit" ang account niya ngayon.

"Mainit na tayo kay facebook at instagram kaya Magpapahinga po muna ako. Kailangan ko muna hanapin ang sarili ko. Maraming salamat netizen hanggang sa muli. Nagmamahal NIKKODAKS."

Kaya payo ng mga netizen, maghinay-hinay na muna siya at baka magaya raw siya kay "#StayMotivated."

Matatandaang nawalan ng TikTok, Facebook, FB Messenger, at maging email ang social media personality dahil sa "mass reporting."

MAKI-BALITA: TikTok burado, FB nanganganib; Rendon, ‘Baka Instagram, YouTube nahihiya pa kayo?’

MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na

MAKI-BALITA: ‘Burado na rin sa FB messenger?’ Rendon may mensahe sakaling tuluyang burahin sa internet

MAKI-BALITA: ‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin